Sabayang Pagbigkas: Matatag na Bukas


 Pitogo Community High School
2023 Pagdiriwang ng Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa


Sabayang Pagbigkas: Matatag na Bukas
ulat ni Bb. Dianna Ann Alonte

Kaugnay ng pagdiriwang ng 2023 pampaaralang selebrasyon ng Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa na may temang “Pagbasa: Pag-asa sa Matatag na Kinabukasan”, ang departamento ng Senior High School ay nagsagawa ng patimpalak sa sabayang pagbigkas na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Baitang 11 at 12.

Pormal na sinimulan ang pagdiriwang ganap na ika-siyam ng umaga sa pag-awit ng Lupang Hinirang na sinundan ng isang panalangin. Ang mga hurado ay kinabibilangan nina Gng. Caressa D. Roxas, Gng. Joelinda V. Monterde, at Bb. Carlamae M. De Leon– mga guro at kawani ng paaralan.

Matapos ipakilala ang lupon ng mga hurado ay ipinaliwanag din ang giya at rubriks sa pagtatanghal ng sabayang pagbigkas. Sa kanilang pagtatanghal ay ipinakita ng bawat kalahok ang angkin nilang kagalingan at kahusayan sa pagbigkas. Bawat kalahok ay nagpamalas ng impresyon na talaga namang tumatak sa lahat ng manonood. Lahat ay nagpakita ng kani-kanilang estilo sa pagbigkas ng bawat salita kasabay ng emosyon at damdamin na nais nilang ipahatid sa madla. Mula sa siyam na kalahok ay tatlo ang hinirang na nagwagi sa patimpalak. Ang nagkamit ng ikatlong pwesto ay ang mga kalahok mula sa baitang-12 pangkat GAS-Quezon. Nakamit naman ng mga kalahok mula sa baitang-11 pangkat GAS-Rizal ang ikalawang pwesto. Ang nagwagi sa patimpalak at nagkamit ng unang pwesto ay ang mga kalahok mula sa baitang-11 pangkat ABM-Jacinto.

Sa pamamagitan ng mga pagtatanghal na ito ay napagtatanto ng bawat isa ang kahalagan ng pagbasa. Hindi lang impormasyon ang makukuha kundi may hatid din itong tuwa.

Tunay ngang sa pagbasa ay may pag-asa!













Mga Larawan mula kay Bb. Alonte (2023)

No comments:

Post a Comment