GIYA AT RUBRIKS PARA SA PAGSULAT NG SANAYSAY


 



1. GIYA AT RUBRIKS PARA SA PAGSULAT NG SANAYSAY


a. Ang paligsahan ay lalahukan ng mga mag-aaral sa PCHS na nasa baitang 9 [dalawa o higit pang kalahok bawat pangkat].


b. Kailangang nasusulat sa Filipino o Wikang Katutubo ang lahok, orihinal at hindi pa nailalathala, at hindi rin salin mula sa ibang wika.


c. Ang kalahok ay magdadala ng panulat na gagamitin at ang sulatan naman ay ihahanda ng nag-organisa ng timpalak.


d. Ang gagawing sanaysay ay dapat mayroong 300 salita o higit pa.


e. Ang paksa ng pagtalakay sa sanaysay ay nakabatay sa Indigenous Knowledge, System and Practices (IKSP)


f. Bawal ang paggamit o pagdadala ng ibang sanggunian o maging ang internet at iba pang mga gadyet na maaaring kunan ng ideya sa pagsulat.


g. Bibigyan ng isang (1) oras ang kalahok upang isulat ang sanaysay mula 8:20 ng umaga hanggang 9:20 ng umaga sa nakatakdang lugar ng pagsulat.


h. Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na maipaghahabol. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng organisasyon.


i. Hihirangin ang mga nagwagi sa Pangwakas na Gawain (Culminating Activity) ng pagdiriwang at makakatanggap ng sertipiko at surpresang gantimpala.


j. Kakanselahin ng Organisasyon ang lahok na nagplahiyo o nandaya.


k. Para sa mga tanong hanapin si Gng. Judy Ann Trilles para sa karagdagang impormasyon.

 

PAMANTAYAN/INDIKEYTOR

PUNTOS

Nilalaman (Taglay ang elemento at estruktura ng sanaysay at sumunod sa hinihinging bilang ng salita)

30

Kaugnayan sa Tema (Angkop ang kaisipang nais ipahayag sa tema ng pagdiriwang)

30

Wastong gamit ng Gramatika (Nagamit nang mahusay ang Wikang Filipino alinsunod sa Manwal sa Masinop na Pagsulat ng KWF)

20

Dating sa Mambabasa ((Katangi-tangi ang sanaysay dahil sa lawak ng kaalaman ng sumulat sa paksa)

20

KABUOAN

100

No comments:

Post a Comment